Noong April, pumirma si President Joe Biden ng batas na nagbabawal sa TikTok sa US maliban na lang kung papayag ang Chinese owner na ByteDance na ibenta ito sa isang third party. Tumugon ang TikTok sa pamamagitan ng pag-sampa ng kaso laban sa gobyerno ng US.
May isa pang kaso na isinampa ng isang grupo ng content creators sa platform. Pareho nilang hinihiling sa korte na i-block ang pagpapatupad ng “ban or sell” na batas.
Noong sumunod na buwan, inanunsyo na ang federal appeals court ay makikinig sa kaso sa Septyembre. Ang kaso ay dadalhin sa korte sa Lunes ng umaga at maririnig sa harap ng tatlong hurado. Ang mga abogado mula sa magkabilang panig ay naroroon. Inaasahan na ang kaso ay makararating sa US Supreme Court.