Ang OMEGA ay naglunsad ng isang commemorative Seamaster Regatta watch bilang pagdiriwang ng 37th America’s Cup, isang prestihiyosong kumpetisyon sa paglalayag na nagsimula pa noong 1851.
Dinisenyo para sa mga propesyonal na ginagamit sa dagat, ang bagong timepiece ay gawa sa grade 5 titanium na magaan at hindi kinakalawang. Para sa mabilisang pagkuha ng datos, ang dial nito ay may kasamang LCD display function, isang inertial sensor unit, at brightness sensor na nagpapahintulot ng instant readability sa gitna ng hamon ng karagatan.
Ang 46.75 mm-wide case nito ay may mga tampok tulad ng moonphase indicator, chronograph, sailing logbook, temperature gauge, accelerometer, 3 alarm, at regatta race function — lahat ng ito ay pinapagana ng sariling 5701 caliber ng OMEGA, isang bagong multi-functional quartz chronograph movement na may thermo-compensated integrated circuit.
Resistant sa tubig hanggang 50 metro, ang caseback ng relo ay may embossed na "SEAMASTER REGATTA," "37th AMERICA’S CUP," at ang logo ng kumpetisyon.
May kasama itong blue rubber strap.
Sa halagang PHP412,725, ang Seamaster Regatta 37th America’s Cup Edition ay maaaring mag-inquire sa pamamagitan ng website ng OMEGA at kanilang mga boutiques.