Pinutol ng Korte Suprema ng Brazil ang access sa X sa bansa matapos umano ay tumanggi si Elon Musk na sumunod sa mga utos na alisin ang ilang mga account na itinuturing nilang mapanganib sa demokrasya.
Hiniling ni Judge Alexandre de Moraes kay Musk na alisin ang mga account na nagtataguyod ng hate speech at malayong kanan na opinyon kasunod ng pag-aalsa sa kabisera ng Brazil, Brasília noong Enero 2023, kung saan ang mga tagasuporta ng dating malayong kanan na pangulo na si Jair Bolsonaro ay nagmob ng mga gusali ng gobyerno.
Nagbigay si Moraes ng deadline kay Musk upang magtalaga ng legal na kinatawan para sa X sa Brazil, na nagbabanta ng pagbabawal kung hindi susunod. Nang lumipas ang deadline, tinupad niya ang banta at tinanggal ang akses sa app, na may humigit-kumulang 40 milyong mga gumagamit sa bansa.
Ang mga magtatangkang mag-access sa X gamit ang VPN ay papatawan ng pangaraw-araw na multa na R$50,000 (USD$8,900). Inutusan din ng hukom ang mga app stores na alisin ang X sa bansa, epektibo agad.