Ngayong Lunes ng umaga, nagpadala na ang Apple ng mga opisyal na imbitasyon para sa kanilang taunang iPhone reveal event. Ang programa ngayong taon, na may pamagat na “It’s Glowtime,” ay nakatakdang ganapin sa ganap na 10 a.m. PT/1 p.m. ET sa Huwebes, Setyembre 9, sa Steve Jobs Theater sa Apple Park.
Sa nasabing event, inaasahan na ipakikilala ng higanteng tech ang iPhone 16 series, kasama ang mga bagong modelo ng Apple Watch, AirPods, at iba pang mga software updates.
Ayon sa 9to5Mac, ang iPhone 16 at iPhone 16 Plus ay sinasabing magkakaroon ng A18 chip na may 8GB para sa Apple Intelligence, isang action button, Camera capture button, at mga bagong kulay tulad ng asul, berde, pink, puti, at itim. Ang Pro models naman ay inaasahang darating na may A18 Pro chip, mas malalaking 6.3-inch at 6.9-inch displays, parehong Camera capture buttons, at mga bagong kulay kabilang ang Black Titanium, Natural Titanium, White Titanium, at Bronze Titanium.
Inaasahan ding ipapakita ang Apple Watch Series 10, na magkakaroon ng 45mm at 49mm na sukat. Ang device na ito ay balitang magkakaroon ng mas manipis na case, mas malakas na performance, at mga updated na health sensors para sa sleep apnea, hypertension, at iba pa.
Bukod dito, inaasahang ilulunsad din ang Apple AirPods 4 sa event. Ang next-generation na device ay sinasabing magkakaroon ng H2 chip, mas pinahusay na battery life, at mga hearing-aid features.
Bukod sa mga bagong produkto, ibabahagi rin ng Apple ang mga petsa ng release para sa mga software updates, kabilang ang iOS 18, iPadOS 18, tvOS 18, watchOS 11, visionOS 2, at macOS Sequoia.
Abangan ang Apple’s “It’s Glowing” event sa Setyembre 9.