Isang rare Leica MP2 camera mula 1958 ang nabenta sa auction sa halagang €1,560,000 EUR bilang bahagi ng Leitz Photographica Auction sa Wetzlar, Germany.
Ang Leica MP2 ay dinevelop noong huling bahagi ng 1950s bilang bahagi ng isang test series para sa mga camera na nakatuon sa photojournalism. Tanging 27 Leica MP2 lamang ang ginawa at anim lamang ang nilikha na may black paint na tampok sa camera na nabenta sa auction. Ang MP2 ay itinuturing na isang binagong bersyon ng Leica M2 na unang inilunsad noong nakaraang taon.
Ang camera ay kinilala noon para sa kanyang makabagong motor drive, na nagpapahintulot na makakuha ng 3.5 frames kada segundo.
"Kami ay partikular na natutuwa na ang aming auction house ay nakamit ang resulta ng 1,560,000 euros para sa Leica MP2 sa okasyon ng ika-70 anibersaryo ng maalamat na Leica M," sabi ni Alexander Sedlak, Managing Director ng Leitz Photographica Auction.
"Ang resulta ay nagbibigay-diin sa pambihirang kasikatan na patuloy na tinatamasa ng Leica M system ngayon, kapwa sa mga kolektor at mga propesyonal na litratista."
Inaasahan ng mga auctioneers na ang camera ay mabebenta sa pagitan ng €700,000 EUR hanggang €800,000 EUR .