Inanunsyo ng Apple sa isang livestream noon Martes na maglalabas sila ng mga bagong bersyon ng kanilang iPad Pro at iPad Air.
Ayon sa CEO na si Tim Cook ang iPad pro ay nasa proseso ng pag-update sa next-gen M4 chip na bagong stage sa pag-unlad ng Apple sa AI space. Lahat ng iPad models ay merong M1, M2, o hindi kaya M3 chips ngunit ang M4 ay sinasabing "napakalakas na chip para sa AI." Kayang i-isolate ng mga users ang mga partikular na subject kapag nag-e-edit ng video sa papamagitan ng M4 chip.
Ang iPad Pro ay ang pinakamahal at pinaka-advanced na tablet ng Apple. Mayroong 11-inch at 13-inch na pagpipilian, na nagkakahalaga ng $999 USD at $1,299 USD. t may lapad na 5.1mm lamang - tinatawag itong pinakamakakapal na produkto na inilabas ng Apple. Ang Pro ay pinabago rin sa paggamit nito ng OLED screen, na ginagamit sa iPhones, para sa isang mas maliwanag, mas masiglang display.
Dahil sa 10-core CPU nag-improve ng 50% ang tablet, samantalang ang GPU nito ay nag-aalok ng ray tracing. At pagdating sa pagkuha ng mga litrato, mayroon ang Pro ng kabuuang mas mahusay na camera, kasama ang isang adaptive flash na awtomatikong nag-a-adjust batay sa antas ng liwanag sa kapaligiran.
Upang makatulong sa paggamit ng bagong iPad, maaaring gumagamit ng pinaganda at mas magaan na Magic Keyboard attachment sa halagang $299 USD para sa 11-inch at $349 USD para sa 12 inch. Maaari ring bumili ng bagon Apple Pencil Pro sa halagang $129 USD na may mga advanced feature katulad ng 'barrel roll' at 'squeeze' kasama ang haptic feedback. Suportadorin ng Pencil ang 'My Support' at ngayon ang pencil ay nakadikit gamit ang magnet at nakakapag-charge sa gilid ng iPad.
Ang dalawang pagpapalabas ay nagpapakita ng unang pagkakataon na binago ng Apple ang kanilang lineup ng iPad mula noong 2022.
"Ito ang pinakamalaking araw para sa iPad mula sa unang pagkakilala nito," sabi ni Cook.