Ang Vision Pro ay higit pa sa isang computing device lang. Ito ay isang microcosm ng buhay ng hinaharap. Noon una ko itong nakita, hindi ko mapaliwanag ang nararamdaman ko sa simpleng mga salita. And disenyo nito ay labis na katangi-tangi at ang bawat detalye ay nagpapakita ng pagiging sopistikado at katalinuhan. Sa sandaling i-on mo ito, nagiging matingkad ang lahat - ang mga imahe sa screen ay malinaw at matingkad, at ang operation interface nito ay madaling maunawan at makinis. Hindi lahat ito tumutugon sa aking bawat na operasyon, ngunit inaasahan din nito ang aking mga pangangailangan.
Sa pamamagitan ng Visio Pro, parang nasulyapan ko ang isang bagong buong mundo kung saan perpektong pinagsama ang katalinuhan at sangkatauhan. Kung ito ay para sa trabaho, libangan o pang-araw-araw na pamamahala sa buhay, maaari itong magbigay ng isang mahusay na karanasan. Ito ay hindi lamang isang pag-unlad ng teknolohiya, kundi isang rebolusyonaryong pagbabagsak ng pamumuhay.
Sa puntong ito, ang maibabahagi ko lang ay isang sulyap ng walang limitasyong potensyal ng Vision Pro. Ngunit gayunpaman, ako ay lubos na naakitdito at umaasa sa walang katapusang mga posibilidad na naidudulot nito sa ating buhay sa hinaharap. Ang karanasang ito ay walang alinlangan na magiging isa sa mga pinakamaliwanag na sandali sa aking alaala.
Q: Ano ano ang mga kinakailangan bago ito suotin?
Para sa media demonstration ng Vision Pro, ang Apple ay nagtayo ng white house na tinatawag na Fieldhouse sa hilagang kanluran ng Apple park. Kahit na ito ay isang pansamantalang lugar, hindi ko masasabi na ito ay isang mobile house sa lahat.
Pagkatapos pumasok sa venue, ang masigasig na taunahan ng Apple ay pinakita sa akin paano maghanda. Ini-scan ang aking mukha at tenga gamit ang iPhone ko. Ang detalye ng mukha ko ay ginagamit upang makapili ng pinakamagandang eye mask para sa akin, isang proseso na halos kapareho sa proseso ng enrollment ng FaceID sa iPhone.
Ang pag-scan ng auricle ay ginagamit upang i-calibrate ang spatial ng karanasan sa audio sa pamamagitan lamang ng pagpihit ng iyong ulo 90° pakaliwa at pakanan. Ang buong proseso ay tumatagal ng mas mababa sa isang minuto.
Q: Makakaapekto ba ito sa myopic users?
Walang epekto. Bumili ako ng sarili kong contact lenses. Gayunpaman, ang tauhan ay sinukat ang grado ng aking contact lenses at nag-customize ng isang pares ng lenses. Ang mga lenses ay magnetically na nakakabit sa loob ng Vision Pro eyecup.
Q: Paano suotin ang Apple Vision Pro? Ano anong mga settings ang kailangang gawin sa simula?
Ang Vision Pro eyecup ay magnetically nakakabit sa katawan ng device at maaaring palitan. Dahil medyo may kalakihan ang aking mukha, hindi gaano magkasya ang eye mask, at tulad ng karamihan sa mga VR device, may light leakage sa ilalim tulay ng ilong ko. Sabi ng tauhan na ang retail version ay ididisenya na ang mga eye masks ay magkakasya sa kahit na anong hugis ng mukha.
Kapag suot, ang rekomendasyon ng tauhan ay kurutin ang makitid na bahagi sa gitna ng salamin upang maiwasan mahawa ang camera gamit ang iyong mga daliri.
May isang knob sa kanang likuran ng headband para sa pagsasaayos ng higpit ng headband.
Iba sa opisyon na website at promotional video, maryoon ding strap na naka-install sa tuktok ng fuselage para maging maayos ang bigat, ngunit masisisra nito ang ayos ng buhok.
Mayoong isang metrong haba na white braided cable sa kaliwang likuran ng fuselage, na nakakonekta sa external na baterya. Ang external na baterya ay maaaring magbigay ng dalawang oras na tagal ng baterya.
Gayunpaman, isinasaalang-alang ang limitasyon ng buhay ng baterya, sa tingin ko ang hiwalay na disenyo na ito ay isang mas mahusasy na solusyon na kasalukuyan.
Ang external na bateryo ay hindi natatanggal at tinatantya na may function ng isang transformer power supply, ngunit ito ay nilagyan ng Type-C interface at maaaring patuloy na pinapagana ng isang external na power supply.
Pagkatapos ito suotin, kinakailangan i-set ng machine ang eyeballs at kilos muna. Kinakansela ng Vision Pro ang hawalan at ganap na umaasa sa eyeballs, kilos at boses para sa operasyon.
Una, kailangan ko tumitig sa mga maliliwanag na mga spot na isa isang magpapakita sa gitna ng screen. Ang mga maliliwanag na spot na ito ay bumubuo ng hugis hexagon. Sa una ay nasa kabuuang kadiliman, sa pangalawa ay tataas ang liwanag. Dahil sa iba't iabng liwanag, ang antas ng pag-urong ng pupil ng mga mata ng tao ay magkakaiba.
Ang palm setup ay mas madali, kinakailangan mo lang iunat ang iyong mga kamay.
Pagkatapos, pindutin nang matagal ang digital knob sa kanang sulok sa itaas ng makina upang makumpleto ang buong setup.
Sa oras na ito, lalabas sa screen ang isang dynamic na Hello screen na katulad ng iOS at macOS, na lumulutang sa hangin sa isang 3D na anyo.
Q: Paano ang immersion?
Napakalinaw ng larawan, walang epekto ng screen door, at walang makikitang mga particle o pixel. Walang alinlangan, ito ang pinakamalinaw na headset na naranasan ko. Walang anumang mga problema sa pagbabasa ng mga dokumento at pag-browse sa web.
Ang feature na through-view ay nagbigay-daan sa akin na makita ang Vision Pro sa labas ng mundo nang kasinglinaw ng Sony a7RIII electronic viewfinder na nasa aking kamay. Nababasa ko pa nga ang screen ng aking telepono sa pamamagitan ng device. Sa kulay man, kalinawan, o frame rate, mas mahusay ito kaysa sa Meta Quest Pro at Pico 4 Pro. Gayunpaman, mayroon pa ring malaking pagkakaiba sa pagitan ng mundo na nakikita ng mata.
Magkakaroon ng paminsan-minsang bahagyang pag-igting ng screen kapag tumagos sa field of view, ngunit hangga't hindi mo iniikot ang iyong ulo nang napakabilis, halos walang lag. Sinubukan kong iwagayway ang aking mga kamay nang mabilis sa harap ng aking mga mata, at may ilang "pagkaabala" na naganap, tulad ng mga freezing effects at incomplete keying.
Maaaring may ilang kulay berde at lila na mga cast sa mga gilid ng frame, ngunit hindi sila madaling mapansin.
Dapat ding mabanggit na mayroong ambient light sa eksena na hindi naman hindi nakakaaya-aya, at hindi pa ito nasubok sa mahinang liwanag.
Sa loob ng kalahating oras na karanasan, hindi ako nakaranas ng pagkahilo
Tungkol sa FOV (field of view), walang opisyal na data na inilabas. Batay sa aking personal na karanasan, na hindi lubusang mapagkakatiwalaan, malamang na ito ay tungkol sa parehong FOV sa Quest Pro at Pico 4 Pro. Ang field of view ay mahaharangan ng mga black edges, tulad ng pagtingin sa mundo sa pamamagitan ng telescope.
Sa kabuuan, sa tingin ko ang immersion ng Vision Pro ay maganda at ito ang No.1 headset sa lahat ng headset na nagamit ko.
Headset Immersion
Ang core ng head-mounted display experience ay immersion. And mga pangunahing tagapagpahiwatig ay kinabibilangan ng:
-Resolution: Ito ay madaling maintindihan
-Field of View (FOV): Ang saklaw ng angle kung saan maaaring tumatanggap ng mga larawan ang paningin. Ang field of view ng mga mata ng tao ay humigit-kumulang 188°, ngunit ang 60° lamang na direktang nasa harap ang focus at attention range ng mga mata ng tao, at ang natitirang 128° ay ang susi sa immersion ng virtual reality.
-Ang Passthrough field of view ay nagbibigay-daan sa mga user na makakita ng mga larawan ng totoong mundo habang suot ang headset. Gayunpaman, kadalasang nakakamit ang penetration field of view sa pamamagitan ng pagpapadala ng mga larawan sa pamamagitan ng camera, kaya ang kalidad at katatagan nito ay maaaring limitado ng device at camera.
-Tunog: Ang direksyon ng tunog
-Latency: Kailangan din namin ng low-latency na papasok na pagsubaybay at makatotohanang pakikipag-ugnayan sa mundo sa paligid natin. Ang mga helmet ay kailangan makaramdam at tumugon sa mga paggalaw ng ulo nang mabilis at tumpak. Kapag ibinaling mo ang iyong ulo sa kaliwa ang pananaw sa screen ay agad na lilipat sa kaliwa. Kung may pagkaantala sa prosesong ito, maaaring mangyari ang pagkahilo o kakulangan sa ginhawa.
Q: Paano makipag-ugnayan gamit ang pagsubaybay sa mata at mga galaw? Paano ang epekto?
Pagkatapos makumpleto ang lahat ng mga setting, pindutin nang matal para mapunta sa home page at tingnan ang pamilyar na circular application icon.
Pagsubaybay sa mata at kontrol ng kilos ay nagtutulungan: ang eyeball ay ginagamit para sa pagpoposisyon, tulad ng kung saan nananatili ang mouse, habang mayroon lamang dalawang kilos na operasyon - pagbubukas at pag-drag.
Kabilang sa mga ito, ang pag-pinch ng hinlalaki at hintuturo nang magkasabay ay nangangahulugan "pagbukas," habang ang pag-pinch at paggalaw ay nangangahulugan ng pagkaladkad.
Narito ang isang episode: Sa una, iniunat ko ang aking mga daliri sa hangin upang kontrolin ang graphical na interface, ngunit sa katunayan, ang aking mga kamay ay madaling makontrol sa anumang postura.
Ang buong set ng interactive na pag-aaral ay napakaliit at tumatagal lamang ng isang munot upang masanay.
Ang epekto ng pagsubaybay sa mata ay kamangha-mangha: ang sensitivity, katumpakan, at bilis ay napakataas, nang walang anumang lag, pakiramdam ko ay matatamaan ko kahit saan ako ituro.
Ang karaniwang halimbawa ay hinilig sa akin ng tauhan na isara ang page sa pamamagitan ng pagtingin sa maliit na tuldok sa ibaba ng screen, na akala ko ay napakaliit noong una, at mayroon ding napakalapit na pahalang na bar sa ibaba ng screen (ginagamit upang i-dra ang position ng window). Pero sa hindi inaasahan, hindi ako nagkamali.
Ang mahusay na karanasang itoay nakikinabang din mula sa pagpapala ng visual at sound effects. Kapag tumutok ako sa mga graphic ng elemento, ang mga icon ay magkakaroon ng mga dynamic na bump, pagbabago ng anino, at kahit mga sound effect.
At kapag pinagdikit ko ang aking mga daliri at ini-ugoy palabas, ang galaw ng bintana ay parang totoong mundo, sobrang kinis.
Sa katunayan, hindi eye tracking ang una sa Apple, ngunit ang Apple and unang kumpanya na gana na gumamit nito para sa pakikipag-ugnayan ng tao at kompyuter.
Q: Ano anong mga nakakamanghang feature ang meron?
Eye tracking at gesture control are tiyak na isa sa kanila. Kung hindi ka pa nakakaranas ng VR, namamangha ka panigurado sa 3D.
Pinakita sa akin ng Apple ang ibang mga larawan at video na direktang kinuna gamit ang Vision Pro. Ang isa sa mga video ay tungkol sa isang batang babae na humihip ng kandila, at ramdam ko talaga ang pakiramdam ng usok na tumatama sa aking mukha pagkatapos mamatay ang kandila.
Kung gusto mong ikumpara sa isang eksena parang pensieve sa Harry Potter.
Ang mga katulad na karanasan ay makikita sa iba pang mga VR headset, nugit ang mas mataas na kahulugan ay walang alinlangan na nagdudulot ng mas magandang pakiramdam ng immersion.
Sa tingin ko ang feature na ito ay matatawag na "killer app" ng Vision Pro dahil ang halaga nito ay hindi lamang sa pagtingin, kundi pati na rin sa pag-shoot at paglikha.
Mula sa pananaw na ito, pinalalawak nito ang dimesyon ng pagpapakalat ng impormasyon. Halimbawa, ang mga pang-industriyang designer ay maaaring kumuha ng mga 3D na larawan at ibahangi ang mga ito sa isa't isa sa panahon ng mga meeting na remote. Ang ibang tao ay hindi kailangang isipin sa isang 2D na screen kung ano ang magiging itsura nito sa totoong buhay.
Sa kabilang banda, ito rin ay isang napak-pantaong katangian. Ang mga taong iyo at mga bagay na hindi mo maaaring bitawan, ang mga puwang at oras na hinid mo kayang panatilihin, ay talagang nakatigil sa isang iglap.
Sayang lang at hindi binigay on site ang shooting experience. Masyado akong nagtaka kung makakagawa ako ng parehong immersion gaya ng opisyal na sample kung basta-basta akong mag-shoot.
Q: Kumusta ang karanasan sa panonood ng pelikula?
Nagpakita ng isang seksyon ng palabas na Avatar ang Apple para sa akin. Malinaw ang kalidad ng larawan at napakahusay ng 3D effect. Kasama ang head-tracking spatial audio, nakamit niot ang mahuhusay na surround sound effect. Bagama't hindi ito kasinghusay ng IMAX, nalampasan nito ang karanasan sa panonood ng karamihan sa mga TV.
Ang screen ng palabas ay maaari ring palitan ng theater mode, na pareho sa viewing effect ng isang movie theater, at maaari karing mamili ng harap or likuran ng mga upuan.
Nagpakita rin sa akin ang Apple ng mga nilalaman ng Apple TV+ na partikular na ginawa para sa Vision Pro. Ang isang 3D na logo ng Apple ay dahan-dahang lalabas sa simula ng pelikula, na may iba't-ibang panlabas na landscape sa larawan, tulad ng sea surfing at cliff.
Maligayang pagdating sa bagong daigdig
Ang Vision Pro ay master ng Apple sa personal na computing. Sa produktong ito, nakikita ko ang maraming anino ng pakikipag-ugnayan ng tao at kompyuter at layout ng teknolohiya ng Apple sa nakalipas na dekada, gaya ng graphical na interface, Apple Silicon, spatial audio, FaceID, LiDAR, atbp.
Ito ang kasalukuyang pinakamahusay na naka-head-mount na display device sa merkado, na nagdadala ng pinakamataas na kalidad ng larawan sa kasaysayan at binabago ang karanasan sa home audio-visual entertainment. Ito ay ganap na inabandona ang mga hawakan ng mga tradisyonal na headset at nagbibigay ng isang rebolusyonaryong spatial na karanasan sa pakikipag-ugnayan sa pinaka natural ng paraan. Ginagawa nitong hindi na limitado ang paglikha ng content sa isang 2D na eroplano, na ginagawang realidad ng nakatigil na oras at espasyo.