
Isang babae sa England na si Anna Gray, 27 years old, ay hindi makaihi ng halos 6 years dahil sa isang rare na kondisyon na tinatawag na Fowler’s Syndrome. Nagsimula ang lahat noong December 2018, paggising niya sa gabi para umihi, pero hindi niya magawa.
Ayon sa Fowler’s Syndrome UK, ang kundisyong ito ay nakakaapekto lang sa mga babae at karaniwang nagsisimula sa edad na 26. Ang problema ay nasa urethral sphincter, ang muscle na nagko-control sa ihi—hindi ito marunong mag-relax kaya nahihirapan umihi ang pasyente.
Nagpunta si Anna sa doctor after ilang araw na hindi siya makaihi. Masakit na ang bladder niya at hindi na siya makalakad. Nung nagpa-scan siya, nakita ng doctor na may 1 liter ng ihi sa bladder niya—4x ng normal na kaya ng katawan. Kinailangan siyang gamitin ng catheter para ma-drain ang ihi.
Wala na raw ibang magagawa ang doctors. Hindi na raw siya makakaihi naturally, kaya permanent catheter na ang nilagay sa tiyan niya. Ngayon, si Anna mismo ang nagse-self-catheterize ng 5 beses bawat araw para makaihi.
Naging struggle man sa simula, natutunan ni Anna tanggapin ang kondisyon niya. May kasama na rin siya sa online community ng mga taong may Fowler’s Syndrome. Kahit may catheter bag siya, confident na siya magsuot ng shorts at crop tops, at okay lang sa kanya kung may magtanong.