
Isang masayang family outing ang nauwi sa trahedya matapos tumaob ang bangka sa Badian, Cebu noong Black Saturday, April 19. Patay ang isang 67-anyos na lolo, si Silvio Bajo Verano, at ang 17-anyos niyang apo, si Lhenyl Faith Verano Diez.
Ayon sa Badian police, nangyari ang insidente bandang 1:30 ng hapon sa Brgy. Manduyong. Apat ang sakay ng motor banca—lahat sila ay magkakamag-anak. Dahil sa malalakas na alon, biglang tumaob ang bangka.
Agad rumisponde ang Philippine Coast Guard, local rescue team, at pulis. Nasagip ang dalawang bata na sina Bea Veronica Verano Biosano (14) at Solenn Marie Verano Diez (12). Pero si Lhenyl, kahit nadala agad sa hospital, ay dead on arrival.
Si Lolo Silvio naman ay natagpuan makalipas ang ilang oras, limang metro ang lalim sa tubig. Patuloy pa ang imbestigasyon sa nangyaring aksidente.
The Badian ay isang third-class municipality na matatagpuan 100 kilometers mula sa Cebu City.