
Magde-deploy ang MMDA ng 2,500 traffic enforcers para sa inaasahang matinding traffic ngayong weekend habang bumabalik na ang mga tao sa Metro Manila galing bakasyon ng Holy Week.
Ayon kay Charlie Nosares mula sa MMDA Metrobase, sa ngayon ay wala pa silang namomonitor na traffic buildup kahit na may mga road repairs sa C-5 Road sa Pasig at Mindanao Avenue sa Quezon City.
“Good news kasi wala pang nai-report na aksidente, at dahil medyo maluwag pa ang daan, lagi naming paalala sa mga drivers na mag-ingat sa pagmamaneho,” sabi niya sa isang panayam sa Teleradyo Serbisyo.
Pero inaasahang sisikip ang daloy ng sasakyan pagdating ng Linggo ng hapon habang bumabalik ang mga tao. “May 2,500 na personnel na handang i-deploy para tumulong sa traffic habang bumabalik sa lungsod ang mga kababayan natin,” dagdag ni Nosares.
Sinabi rin niya na inaasahan nilang mag-start ang build-up ng traffic mga 4:30 PM hanggang Lunes ng umaga. Kaya payo niya, umalis ng maaga papasok ng trabaho para makaiwas sa bigat ng traffic.