Nakahiram ang gobyerno ng ₱135 billion sa unang round ng bentahan ng fixed-rate Treasury notes (FXTNs) na may 10-year maturity. Ang investment na ito ay peso-based at low-risk, kaya perfect para sa mga naghahanap ng safe na long-term investment.
The target offer sana ay ₱30 billion lang, pero umabot sa halos ₱197.3 billion ang total na bid mula sa mga investors. Sa huli, ₱135 billion ang nakuha. Ang interest rate o coupon rate ng T-notes ay 6.375%, mas mataas sa average rate na 6.286%.
Gagamitin ang pondo para sa mga proyekto sa agrikultura, edukasyon, kalusugan, at imprastruktura. Maaaring bumili ng FXTN hanggang April 24, maliban na lang kung i-end agad ng Treasury. Minimum investment ay ₱10 million, at dapat dagdag ng tig-₱1 million.
Layunin ng extended offer period na mas mapadali ang pagpasok ng investors at gumawa ng benchmark sa market para sa mas malinaw na pricing at liquidity. Pwede lang mag-submit ng isang bid per rate hanggang ₱10 billion, pero pwedeng mag-bid ng hanggang 10 beses basta iba-iba ang interest rate.
Ang interest ay babayaran tuwing anim na buwan, at ang settlement date ay sa April 28. Ideal ito para sa mga investors na gusto ng stable at long-term kita.