Polaroid Flip ang bagong instant camera na may retro-inspired look at modern features. Available ito sa dalawang kulay at ginawa para maging ultimate point-and-shoot camera.
Ang camera ay may Hyperfocal 4-Lens System na may apat na focal lengths (0.65m, 0.85m, 1.2m, 2.5m) para sa clear at in-focus shots kahit gaano kalapit o kalayo ang subject. May sonar autofocus din ito na gumagana kahit sa dilim, gamit ang sound waves gaya ng ginagawa ng paniki para masukat ang distansya ng subject.
May kasama rin itong built-in adaptive flash na kusang ina-adjust ang power base sa layo ng subject—kaya kayang i-light up ang subject hanggang 4.5 meters ang layo.
Kasama pa sa features ang Scene Analysis (para iwas over o underexposed photos), self-timer, double exposure mode, at Bluetooth connection para makontrol mo ito sa Polaroid app gamit ang phone mo. Pwede rin ito sa i-Type at 600 film, at may USB-C rechargeable battery.
Available na ito para sa early access members at magiging available worldwide sa April 29. Ang price ay nasa ₱11,500 (galing sa $199.99).