Labintatlong tao ang nasaktan matapos ang banggaan ng isang bus, van, at dump truck sa southbound lane ng NLEX sa Valenzuela noong Lunes ng gabi.
Ayon sa pulisya, nawasak ang harapan ng bus dahil sa lakas ng impact. May 30 pasahero ang sakay ng bus nang mangyari ang aksidente.
Base sa imbestigasyon, mabilis ang takbo ng bus at bumangga ito sa closed van sa third lane, bago tumama sa dump truck sa fourth lane.
Galing ang bus sa Angat, Bulacan at papunta sana ng Caloocan, habang ang dump truck na may kargang buhangin ay mula Porac, Pampanga papuntang Taguig.
Ayon sa isang pasahero, sobrang lakas ng banggaan kaya kinailangang basagin ang bintana ng bus para makalabas dahil na-jam ang pinto.
Isa sa mga sugatan ay isang 83-anyos na babae na may galos sa mukha at agad dinala sa ospital.
Nagdala sa presinto ang mga driver ng bus at dump truck, at nagkaayos na lang sila sa settlement.