Pinaboran ng US Supreme Court ang desisyon ng health authorities na i-ban ang mga fruit at dessert flavors sa vape. Sabi ng korte, tama lang na pigilan ang pagbenta ng mga flavors na pwedeng makaka-addict lalo na sa mga kabataan na mahilig sa matamis.
Ayon sa FDA (Food and Drug Administration), delikado ang sweet-flavored vape dahil mas naa-attract ang mga young people dito. Kaya kahit hindi ito traditional na sigarilyo, pwede pa ring magdulot ng addiction at health risks.
Ang vape ay isang electronic device na may nicotine. Hindi ito gaya ng sigarilyo na may tar at carbon monoxide, pero ayon sa World Health Organization, hindi ibig sabihin na mas safe ito. May mga health risks pa rin kahit walang usok.
Binasura rin ng Supreme Court ang desisyon ng isang lower court judge na sinabing hindi patas ang pag-deny ng FDA sa ibang vape brands. Ayon sa korte, may basehan ang FDA sa hindi pag-approve ng bagong vape products.
Pero sa kabila ng ruling na ito, marami pa ring vape flavors ang available sa US. Noong nakaraang buwan, nag-file ng kaso si New York Attorney General Letitia James laban sa ilang vape brands na umano’y nagta-target sa kabataan gamit ang mga highly addictive na produkto.