
In the summer, you can get tired, sweaty, and dehydrated quickly. That's why we need to choose the right foods and drinks to stay cool and energized even on hot days. Here are some simple tips based on advice from doctors from Infinity Care Hospital and Continental Hospitals.
Best Foods to Eat During Hot Weather

1. Water-rich Fruits and Vegetables
Kapag sobrang init, importanteng uminom ng tubig at kumain ng water-rich fruits at vegetables para manatiling hydrated.
Pakwan (Watermelon): 92% water content – perfect para sa hydration.
Pipino (Cucumber): Pampalamig at natural na electrolytes.
Pinya at Melon: Mayaman sa tubig at electrolytes.
Kamatis (Tomato): Nakakatulong sa tamang fluid balance.
Tip: Gawin itong fruit salad o smoothie para mas refreshing!
2. Coconut Water (Buko Juice)
The buko juice ay natural na may electrolytes at mas healthy kaysa sa mga commercial energy drinks.
3. Light and Cooling Meals
Pumili ng mga light meals na hindi mamantikang kainin.
Lumpiang sariwa: May fresh veggies at light peanut sauce.
Salads: Pwedeng lagyan ng lettuce, pipino, at kamatis.
Grilled Fish: Mas magaan sa tiyan kaysa sa red meat.

4. Yogurt and Cold Dairy Products
The yogurt ay hindi lang masarap, may probiotics pa ito na tumutulong sa digestion at immune system. Pwede rin itong gawing base para sa fruit smoothies.
5. Herbal Teas and Infused Water
Imbes na kape, subukan ang green tea o mga herbal teas tulad ng peppermint at chamomile. Pwede ring gumawa ng infused water na may pipino, lemon, at mint para sa instant refresher!
Foods to Avoid During Hot Weather

1. Oily and Fried Food
Iwasan ang mga pagkain na mataas sa taba tulad ng chicharon, pritong manok, at fast food. Mabigat itong tunawin at posibleng magdulot ng init sa katawan.
2. Processed and Salty Food
Ang sobrang alat mula sa processed food gaya ng instant noodles, chips, at canned goods ay pwedeng magdulot ng dehydration.
3. Soft Drinks and Sugary Beverages
Iwasan ang mga soft drinks at sugary beverages dahil bagaman mabilis magbigay ng energy, mabilis din itong magdulot ng dehydration.
4. Spicy Food
Ang sobrang anghang ay pwedeng magpataas ng body temperature at magdulot ng sobrang pagpapawis. Kung gusto mo pa rin ng anghang, siguraduhing uminom ng maraming tubig pagkatapos.
5. Excessive Caffeine and Alcohol
Ang sobrang pag-inom ng kape, tsaa, at alak ay may diuretic effect na nagdudulot ng dehydration. Limitahan ang paggamit ng mga ito at uminom ng sapat na tubig.
Final Tips
Laging tandaan bago kumain: "Makakatulong ba ito para maging healthy, presko, at hydrated ako?" Sa pamamagitan ng simpleng pag-iingat, maiiwasan natin ang discomfort kahit sa sobrang init ng panahon.