Stocks ng BYD na naka-lista sa Hong Kong ay tumaas nang mahigit anim na porsyento (6%), bago bahagyang bumaba ulit.
Ang bagong platform ay naglalagay sa BYD sa unahan ng kalaban nitong Tesla, na kasalukuyang may Superchargers na may peak charging speed na 500 kW.
Kasabay ng pag-launch ng Super e-Platform, ipinakilala rin ng BYD ang dalawang bagong EV models na unang gagamit ng system na ito: ang Han L sedan at Tang L SUV.
Nagbabalak din ang kumpanya na magtayo ng mahigit 4,000 ultra-fast charging stations sa buong bansa para suportahan ang bagong teknolohiya.
Ang agresibong expansion na ito ay kasunod ng malaking pagtaas ng kanilang sales, na lumobo ng 161% noong Pebrero, na may mahigit 318,000 electric vehicles na naibenta.