Pasok sa No. 7 ng Billboard 200 ngayong linggo ang debut solo album ni LISA na 'Alter Ego'.
Nakakuha ito ng 45,500 equivalent album units sa unang linggo, kabilang ang:
- 28,000 album sales (No. 1 sa Top Album Sales)
- 16,500 streaming equivalent units (23.12 million on-demand official streams)
- 1,000 track equivalent units
Si LISA na ngayon ang pangalawang BLACKPINK member na pumasok sa top 10 ng Billboard 200, kasunod ni ROSÉ na nag-debut sa top 10 noong Disyembre 2024.
Samantala, bumalik sa No. 1 si Kendrick Lamar para sa kanyang album na GNX, kasunod ng PARTYNEXTDOOR at Drake sa No. 2, Tate McRae sa No. 3, SZA sa No. 4, at Sabrina Carpenter sa No. 5.
Pasok din sa top 10 sina Bad Bunny sa No. 6, Chappell Roan sa No. 8, Morgan Wallen sa No. 9, at The Weeknd sa No. 10.