Isang Chinese restaurant sa Manila ang nag-viral matapos makatanggap ng 5-star rating mula kay Michelle Lyn, hindi mula sa Michelin Guide kundi sa Google reviews.
Sa kanilang Facebook post, ibinahagi ng Jiang Nan Hotpot and Grill ang review ni Michelle Lyn Espiritu na nagbigay ng mataas na papuri sa kanilang pagkain.
"It is our highest honor to announce that our restaurant has been given 5 stars by Michelle Lyn Espiritu… of Sampaloc, Manila …on Google reviews," biro ng restaurant.
Ayon kay Michelle Lyn, "The best hotpot I’ve tasted... They have quality and savory meals. The wagyu is authentic."
Matatagpuan ang pinakabagong branch ng Jiang Nan Hotpot and Grill sa Fame Mall, EDSA Boni, Mandaluyong City. Ito na ang kanilang ika-pitong branch sa bansa, na patuloy na nag-aalok ng authentic Chinese cuisine at masarap na hotpot experience.
Nag-aalok ang Jiang Nan ng iba't ibang signature sauces tulad ng kanilang sikat na peanut-based original sauce, Spicy Greens, XO Special, at OG barbecue sauce.
Para sa mga mahilig sa premium meats at authentic Chinese delicacies tulad ng pork brain, duck blood, at intestine, siguradong sulit ang bawat kainan sa Jiang Nan.
Samantala, kumpirmadong darating na rin sa Pilipinas ang sikat na Michelin Guide, kung saan inaasahang magpapabilang ang ilang kilalang restaurant sa Manila at Cebu sa kanilang inaugural selection.