Kung gusto mo ng masarap at mainit na pagkain, tamang-tama ang hot pot session kasama ang pamilya at mga kaibigan. Ang bagong Haidilao Ortigas ay may 284 upuan, kaya’t may espasyo para sa solo diners at mga grupo. Mayroon ding 10 VIP rooms para sa maliliit na salu-salo.
Maraming pagpipiliang sabaw! Pwede kang pumili ng apat na soup base sa bawat mesa, mula sa kanilang signature Sichuan spicy broth hanggang sa mild na mushroom o pork stomach at chicken para sa malinamnam na lasa. Gusto mo ba ng Filipino flavor? Subukan ang Bulalo soup!
Mas pinasarap ang karanasan sa pamamagitan ng malalambot na beef slices, hipon, fish fillet, gulay, tofu, at meat dumplings. Kung di sigurado kung paano lutuin, pwede kang humingi ng tulong sa kanilang staff para magluto para sa’yo.
Para mas masulit ang iyong hot pot session, meron ding unlimited sauce bar sa halagang P99, kung saan pwede mong i-customize ang iyong paboritong sawsawan.
May libreng perks habang naghihintay! Pwede kang magpa-manicure, magpa-hand massage, o mag-relax sa mini bar na may libreng snacks at ice cream. May playroom din para sa mga bata at espesyal na gift packs. May priority service rin para sa buntis, senior citizens, at PWDs.
Sa oras ng dinner rush, may live face-changing performance mula sa Sichuan opera, isang tradisyunal na pagtatanghal mula sa China kung saan mabilis na nagpapalit ng maskara ang mga mananayaw.
Bukas ito para sa walk-ins! Para sa reservations, tumawag sa 09189250131 o 02-83663415.
Ang unang branch ng Haidilao sa Pilipinas ay matatagpuan sa SM Mall of Asia.