
The outpatient ay tumutukoy sa mga pasyenteng ginagamot lamang sa emergency room at hindi kailangang ma-confine sa ospital. Dati, hindi sila kasama sa benepisyo ng PhilHealth, pero simula Pebrero 14, 2025, sakop na sila ng Facility-Based Emergency (FBE) benefits.
Pinaalalahanan ng PhilHealth ang mga ospital na hindi na kailangan ng hiwalay na accreditation para magbigay ng FBE benefits dahil kasama na ito sa kanilang hospital accreditation.
Gayunpaman, ang mga ospital na may extension facilities na nag-aalok ng FBE services ay kailangang magsumite ng certification na may kasamang pangalan at address sa pinakamalapit na PhilHealth regional office.
Bukod dito, inanunsyo rin ng PhilHealth na plano nitong isama ang ambulance services sa pre-hospital emergency benefit sa hinaharap.