Isang English-language na Squid Game series ang umano’y nasa proseso ng paggawa, na pinangungunahan ng filmmaker na si David Fincher para sa Netflix.
Ayon sa mga source ng Deadline, ang adaptasyon na ito ang maaaring maging susunod na malaking proyekto ni Fincher para sa 2025, na magpapatibay sa kanyang matatag na relasyon sa Netflix matapos ang matagumpay na mga titulo tulad ng House of Cards, Mindhunter, at Love, Death & Robots. Hindi pa gaanong marami ang nalalaman tungkol sa palabas, maliban sa mga ulat na nagsasabing ito ay magiging isang TV series imbes na pelikula at malamang ay magaganap sa US.
Ang serye ay maaaring maging unang scripted na spinoff sa uniberso ng Squid Game ni Hwang Dong-hyuk kasunod ng Squid Game: The Challenge.
Samantala, ang orihinal na Korean-language na Squid Game ay babalik para sa ikalawang season nito sa Disyembre 26 at matatapos sa ikatlo at huling season.
Abangan ang karagdagang impormasyon.