Ang Mount Bulusan sa Sorsogon ay yumanig ng 89 volcanic earthquakes sa loob ng 24 na oras, kasama na ang 2 volcanic tremors na tumagal ng 1-2 minuto, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) noong Martes.
Nag-erupt ang Bulusan Volcano nitong Lunes ng umaga at nagbuga ng ash plume na umabot ng 4,500 meters sa langit. Ang ash ay nag-drift patungo sa west to southwest. Naka-report ng ashfall sa mga bayan ng Irosin, Juban, at Magallanes, at may nakita ding ash cloud mula sa mga maliit na pyroclastic density currents o PDCs sa mga southwestern slopes.
Pinataas ng PHIVOLCS ang Alert 1, na nangangahulugang ang bulkan ay nasa low-level unrest at may posibilidad ng phreatic eruptions pagkatapos ng nangyaring pagsabog.
Dahil dito, nagbigay ng advisory ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), na nagsabi sa mga flight operators na iwasang lumipad malapit sa Bulusan Volcano. Iniiwasan ang anumang panganib mula sa biglaang explosive eruptions at ashfall. Ipinagbabawal ang mga flight malapit sa bulkan mula Martes hanggang Miyerkules.
Ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) naman ay nag-order ng 20,000 family food packs para sa mga apektadong pamilya sa Sorsogon. Ang DSWD Field Office 5 ay magpapadala rin ng mobile command center (MCC) at mobile kitchen sa mga pinaka-apektadong lugar.