
Malungkot ang nangyari sa Lapu Lapu Festival sa Vancouver noong April 26, 2025. Isang lalaki na may mental health issues ang minaneho ang isang black Audi SUV at bumangga sa maraming tao. Ayon sa Vancouver Police, hindi ito act of terrorism. Sa aksidente, 11 katao ang namatay at marami pa ang sugatan.
Kwento ni Kris Pangilinan, nakita niya kung paano dahan-dahan pumasok ang sasakyan sa loob ng festival area, tapos biglang bumilis. Maraming katawan ang tumilapon sa ere, at parang bowling pins daw ang itsura ng mga tao na tinamaan. Grabe ang iyakan at sigawan sa paligid.
Ang suspect, isang 30-year-old Vancouver man, ay hinuli agad ng mga bystanders bago dumating ang pulis. Sa video, kita siyang humihingi ng sorry habang hawak ang ulo niya. Dahil sa insidente, kinansela ni Prime Minister Mark Carney ang kanyang campaign events para magbigay respeto sa mga biktima.
Ang Filipino community sa Vancouver ay nagtipon para magdiwang ng Lapu Lapu Day, para parangalan si Datu Lapu-Lapu, isang bayani na lumaban sa mga mananakop. Kaya masakit para sa lahat na sa ganitong pagdiriwang nangyari ang trahedya. Nagpaabot ng pakikiramay sina Vancouver Mayor Kenneth Sim, BC Premier David Eby, at Philippine President Ferdinand Marcos Jr.
Ayon sa Philippine Consulate General sa Vancouver, patuloy silang tumutulong para matiyak na makakakuha ng hustisya at suporta ang mga biktima at pamilya nila. Sinabi rin ng Department of Foreign Affairs na buong Filipino community sa Canada ay pinagdarasal para sa lakas at katatagan.