
Opisyal na pinirmahan ni Pangulong Marcos Jr. ang kautusan para sa Digital Nomad Visa sa Pilipinas. Pinapayagan nito ang mga dayuhang remote worker na pansamantalang manirahan at magtrabaho online sa bansa.
Kwalipikado kung ikaw ay:
18 taong gulang pataas
May remote work at kita mula sa ibang bansa
Walang criminal record
May health insurance
Hindi tatanggap ng lokal na trabaho
Hindi banta sa seguridad
Layunin nitong palakasin ang turismo at ekonomiya, nang hindi naapektuhan ang lokal na trabaho.