Isang 23-anyos na babae mula sa Quezon City ang biglang naging multi-milyonarya matapos manalo ng ₱100.89 milyon sa Lotto 6/42 draw noong Marso 18, 2025. Ayon sa kanya, ang nanay niya ang nagpakilala sa kanya sa pagtaya sa lotto, at simula noon ay palagi na siyang gumagamit ng parehong kombinasyon ng numero.
Ibinahagi ng maswerteng Gen Z winner ang kanilang pinagdaanang hirap sa pera, lalo na nang mabankrupt ang negosyo ng kanilang pamilya. Sa kabila ng pagsubok, hindi siya nawalan ng pag-asa at patuloy na tumaya sa lotto na may paniniwalang darating din ang swerte.
Una niyang gagamitin ang premyo para sa pagbabayad ng utang at balak din niyang itayo muli ang kanilang kabuhayan. Ayon sa PCSO, ang bawat taya ay may kasamang kawanggawa, at pinapaalalang maging responsable sa pagtaya.