Naantig ang mga netizen sa isang viral post kung saan makikita ang batang lalaki na naglalako ng popcorn sa kalsada. May hawak siyang maliit na palanggana na puno ng mga supot ng popcorn at nakasabit sa kanya ang isang body bag kung saan nakasakay ang kanyang puting tuta.
Ayon sa caption ng post, nagtitinda ang batang ito ng popcorn upang kumita ng pera at makabili ng pagkain para sa kanyang alaga. "Ang batang ito nagtitinda ng popcorn para may pambili ng pagkain para sa tuta niya," ang nakasulat sa caption. Marami sa mga netizen ang naantig sa kabutihang ipinapakita ng bata at nais nilang matulungan siya.
Hanggang sa kasalukuyan, umabot na sa 69k reactions, 19k shares, at 961 comments ang nasabing post. Marami sa mga netizen ang nagnanais na matulungan ang batang ito at ang kanyang tuta.