Magandang balita para sa K-drama fans! IU at Byeon Woo Seok ang magsasama sa bagong romantic K-drama series na may pamagat na Wife of a 21st Century Prince.
Kinumpirma ng MBC ang produksyon ng bagong drama na nakatakdang ipalabas sa 2026. Kasama rin sa cast sina Noh Sang Hyun at Gong Seung Yeon, kapatid ni Jeongyeon mula sa TWICE.
Ang kwento ay umiikot sa isang imahinaryong Korea kung saan may konstitusyonal na monarkiya pa rin. Gagampanan ni IU si Sung Hee Joo, isang mayamang tagapagmana na walang royal na titulo. Si Byeon Woo Seok naman ay si Lee Wan, isang prinsipe na anak ng hari pero walang tunay na kapangyarihan.
Ang drama ay ididirek ni Park Joon Hwa, kilala sa mga sikat na serye gaya ng What’s Wrong With Secretary Kim at Alchemy of Souls.
Inaasahan na magiging isa ito sa mga pinakaaabangang K-drama ng 2026!