
Enchong Dee kinailangang dalhin sa ospital dahil sa biglaang allergy attack na muntik nang magsara ang kanyang lalamunan.
Sa kanyang Instagram story noong Lunes, April 21, nagpasalamat si Enchong sa mga doktor at nurse sa Makati Med na agad siyang tinulungan.
“Thank you sa lahat ng ER doctors and nurses sa Makati Med. My throat almost closed kung hindi dahil sa mabilis nilang aksyon,” sabi niya.
Aminado si Enchong na hindi pa niya alam ang buong listahan ng kanyang allergies, pero uunahin niya itong ipa-check pag tapos na ang work.
Binanggit din niya kung gaano ka-importante ang health insurance. “Ang bigat ng gastos ‘pag may sakit tayo,” dagdag pa niya.
Si Enchong ay kabilang sa upcoming Philippine adaptation ng K-drama na It’s Okay Not To Be Okay kasama sina Anne Curtis, Joshua Garcia, at Carlo Aquino. Nakilala siya sa mga show tulad ng Katorse, Tanging Yaman, at Ina, Kapatid, Anak.