Hinahanap ngayon ng sikat na shoe designer na si Jojo Bragais ang viral na momshie na binash online dahil sa kanyang "revealing" na graduation outfit. Sa kanyang Facebook post, sinabi ni Bragais na gusto niyang gawing model ang mommy para sa isang high fashion shoot.
Ang nanay ay si Bernadeth Flores Cutas, na naging viral matapos magsuot ng white halter dress na body-hugging sa graduation ng kanyang anak. Maraming netizens ang nag-react at sinabing hindi daw "tama" o "angkop" ang suot niya para sa event.
Nag-comment si Cutas sa post ni Bragais at nagpasalamat sa suporta. Bukod kay Bragais, may isa pang personality na nagpahayag ng suporta — si Carl Balita, isang nurse at radio anchor, na gustong mag-sponsor ng susunod na gown ni Cutas.
Sa kanyang Facebook post na nasa Bisaya, sinabi ni Cutas na hindi niya in-expect ang pagka-viral niya. Nagpasalamat siya sa mga supporters at sinabi na wala siyang sama ng loob sa mga bashers. Inilarawan niya ang sarili bilang simple at mabait.
Nagbigay din ng babala si Cutas tungkol sa mga fake accounts na nanghihingi ng pera gamit ang pangalan niya. Nilinaw niyang isa lang ang legit niyang account.