₱1 Million Reward Alert! Sa lahat ng Motorcycle Taxi Platforms, lalo na sa mga Moveit riders, palaging mag-ingat at maging alerto sa paligid—lalo na sa mga pasahero niyo.
Noong Linggo, April 20, 2025, bandang 5AM, isang Moveit rider ang pinagsasaksak ng pasaherong lalaki sa madilim na parte ng kalsada. Nakuha ito sa CCTV, makikita sa unang larawan. Matapos saktan ang rider, nakuha ng suspek ang motor at tumakas.
Sa ikalawang larawan, makikita ang itsura ng suspek. Kung may nakakakilala sa kanya, ipagbigay-alam agad sa otoridad. May ₱1 million reward na ibibigay sa makakapagturo kung nasaan siya. Hustisya ang kailangan, at dapat itong pagbayaran ng salarin.
Sa ikatlong larawan naman, makikita ang lagay ng biktima. Huwag maniwala sa balitang patay siya—buhay siya at nagpapagaling sa ospital. Sana'y mabilis siyang gumaling.
I-share ang post na ito para makatulong sa pagkakahuli ng suspek. Ingat palagi, lalo na sa mga Moveit at motorcycle riders na bumabyahe araw-araw!