Dalawang content creators na sina Johnreil Alibio at Elton Wen Lara ang ngayon ay may alarm and scandal charges sa Cabadbaran City, Agusan del Norte. Ito ay matapos nilang gawin ang viral na naked toilet bowl stunt noong April 19, 2025.
Ayon sa Cabadbaran City Police, inilagay ng dalawa ang toilet bowl sa gitna ng intersection sa Barangay Mabini. Si Alibio ay naupo nang hubo’t hubad habang si Lara ay nag-video. Sobrang traffic at abala ang dulot ng stunt sa mga tao at drivers.
Ginamit nila ito bilang content sa social media page nilang “CBR BOYS”. After mag-viral ang video, inaresto ang dalawa at ngayon ay may kinakaharap nang kaso. Tinanggal na rin nila ang video sa page nila at nag-post ng public apology sa netizens at local government.
Sabi ng police, hindi ito laban sa freedom of expression, pero kailangan may responsibilidad sa paggamit ng social media. Dapat iwasan ang mga content na makakaapekto sa public safety at image ng city.
Pinaalalahanan din ang ibang content creators na sumunod sa batas at mag-ingat sa pag-create ng videos. Importante raw na may respeto sa community, lalo na kapag gumagawa ng content in public places.