Stephen Curry ang naging susi sa panalo ng Golden State Warriors laban sa Houston Rockets, 95-85, sa Game 1 ng NBA Playoffs. Tumapos si Curry ng 31 points, may 5 three-pointers, at ilang wild shots na nagpakulo sa bench.
Bagong salta sa Warriors, si Jimmy Butler ay nagpakitang-gilas din sa kanyang playoff debut para sa team. Mayroon siyang 25 points, 7 rebounds, 6 assists, at 5 steals. Ayon kay Coach Steve Kerr, sila ni Curry ang nagdala sa team sa tagumpay.
Lamang ng 23 points ang Warriors sa third quarter, pero hindi bumitaw ang Rockets. Nakalapit sila sa apat na puntos sa last 5 minutes. Pero sumagot agad si Curry ng isang malupit na three-pointer, tapos sinundan ni Moses Moody ng clutch shot para i-seal ang panalo.
Ang Rockets ay bumalik sa playoffs mula pa noong 2020. Si Alperen Sengun ang top scorer nila na may 26 points, pero hirap sina VanVleet at Jalen Green, na combined ay 7 of 34 sa shooting. Mahina rin ang 3-point at free throw shooting nila.
Kahit panalo, sabi ni Draymond Green, “Feeling ko pwede pa kaming mas gumaling.” Ang Game 2 ng best-of-seven series ay sa Miyerkules ulit sa Houston, at tiyak na mas intense ang susunod na bakbakan.