
VP Sara Duterte nagpasalamat sa mga tao na tuloy-tuloy ang dasal para sa tatay niyang si former President Rodrigo Duterte, habang nasa Samar para sa two-day Visita Iglesia.
Ayon kay Sara, may mga taga-roon na lumapit sa kanya at sinabing dasal sila nang dasal para makauwi na si dating pangulo mula sa The Hague, Netherlands, kung saan siya nakakulong ngayon dahil sa ICC case tungkol sa crimes against humanity.
Sabi niya, ang mga dasal niya during Visita Iglesia ay para sa bansa at sa tatay niya. Pero wala siyang sinabi tungkol sa updates sa kaso dahil sabi niya, abogado lang dapat ang magsalita.
Hindi malinaw kung may naka-meet siyang local officials. Ayon kay Sara, kaya niya pinili ang Samar ay dahil may early flight papuntang Calbayog City from Davao. Kaya napaaga silang dumating at nakaikot agad sa mga simbahan.
Unannounced ang pagbisita niya kaya surprise ang mga locals nung nakita nila siya sa simbahan. Marami ang nagpa-picture with her. First time daw ni Sara mag-Visita Iglesia sa Samar, na kilalang bailiwick ni President Marcos Jr., na dati niyang kaalyado.