Bumaba nang halos kalahati ang foreign debt payments ng Pilipinas nitong Enero 2025. Ayon sa bagong report ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), nasa ₱44.7 billion (or $799 million) na lang ang total bayad sa utang galing abroad — mas mababa kumpara sa ₱98 billion (or $1.75 billion) noong parehong buwan last year.
Sa total na 'to, interest payments tumaas ng 3.8% at umabot sa ₱40.3 billion ($719 million), habang ang principal payments o bayad sa mismong utang ay bumagsak ng 92.5%, mula ₱59.4 billion ($1.06 billion) last year to ₱4.4 billion ($79 million) na lang ngayon.
Ayon kay Michael Ricafort, chief economist ng Rizal Commercial Banking Corp. (RCBC), ang malaking pagbaba ay dahil mas konti ang external debt maturity o bayaring principal ngayong taon kumpara sa dati. Isa rin ito sa epekto ng efforts ng gobyerno na bawasan ang pag-asa sa foreign loans para iwas sa foreign exchange risks.
Dagdag pa niya, ang pagbaba sa bayarin sa simula ng taon ay normal na pattern. Madalas kasi na mas malaki ang budget deficit at utang na binabayaran bago matapos ang taon, tapos humuhupa pagpasok ng bagong taon.
Ang external debt service burden ay tumutukoy sa kabuuang bayad ng bansa sa utang sa labas ng bansa — kasama na rito ang principal at interest payments. Kasama rin dito ang loans mula sa IMF, Paris Club, at commercial banks.