
Maki is back on tour at may bagong stop sa University of Baguio this May 10 para sa kanyang Maki-Concert. Kasama niya sa show sina Fyang Smith at Kai Montinola, mga bagong talents ng ABS-CBN.
Kaka-release lang ni Maki ng warm version ng “Dilaw”, na naging part ng hit movie na My Love Will Make You Disappear last March 26. Ayon sa Tarsier Records, ang version na ito ay parang sunset — calm, colorful, at may dalang peaceful vibes.
Kasabay ng music video ng single niyang “Bughaw”, na siya rin ang nag-direct, inanunsyo rin ni Maki ang kanyang unang studio album na Kolorcoaster. Sabi niya, “It’s gonna be a hell of a ride. Sobrang daming effort na binigay dito... songs na never pa ninyong narinig from me.”
Excited na ang fans sa album dahil bagong tunog at fresh concept daw ito. From vocals to visuals, makikita raw dito ang ibang side ni Maki — mas creative, mas colorful, mas personal.
Tickets are now available: Php 1,500 for Silver Premium, Php 1,000 for Bronze Premium, Php 800 for Gen Ad Premium, at Php 760 for Gen Ad. Huwag palampasin ang chance na mapanood si Maki live with his new sound and special guests!