Simula Setyembre 2025, magiging mandatory na ang AI education sa lahat ng estudyante sa primary at secondary school sa China. Kasama rito ang at least 8 hours per year ng formal lessons—simula sa basic AI topics sa elementary, tapos papunta sa real-world applications at AI ethics sa high school.
Para sa iba, parang weird turuan ng AI ang mga bata. Pero for me, smart move ito ng China. Kasi totoo naman—kung hindi ka sasabay sa technology, maiiwan ka. Parang evolution, pero imbes na species, ang nagbabago ay mga algorithm at data.
Ang cool pa dito, hindi lang coding ang tinuturo—kasama rin ang AI ethics, tamang paggamit, at boundaries. Mga bagay na kahit adults, hirap pa rin i-handle. Sa ibang bansa, may efforts din—tulad ng Italy na may optional AI lessons, at California at New York na may pilot programs. Pero China, all-in na agad.
Ganito sila nagiging ahead sa tech. Habang ang iba debate pa kung paano i-manage ang AI, sila, tinuturuan na ang bagong henerasyon kung paano ito gamitin nang maayos. Kasi at the end of the day, AI ay isang tool lang—depende sa gumagamit kung magiging helpful or harmful ito. Kaya, bantayan natin ‘to. Baka kailangan na rin nating sumabay.