
Bumaba ng 17% ang approval rating ni President Bongbong Marcos, mula 42% noong February to 25% noong March 2025, base sa survey ng Pulse Asia. Bukod sa kanya, bumaba rin ang rating ni Senate President Chiz Escudero.
Samantala, Vice President Sara Duterte lang ang nakitaan ng pagtaas ng approval rating, mula 52% naging 59%. Tumaas din ang trust rating niya ng 8%, ngayon nasa 61% na.
Si House Speaker Martin Romualdez, kahit walang galaw sa approval rating, biglang tumaas ang disapproval mula 14% naging 54%.
Pagdating sa trust ratings:
Marcos: 25% lang ang may tiwala, habang 54% ang walang tiwala
Duterte: 61% ang may tiwala, 16% lang ang walang tiwala
Escudero: 38% trust, 20% distrust
Romualdez: 14% trust, 57% distrust
Ginawa ang survey ng Pulse Asia noong March 2025, isang buwan matapos ang impeachment kay VP Duterte na nilagdaan ng mahigit 200 kongresista.
Ang pagbaba ng ratings ni Marcos ay tila epekto ng mga isyu sa pamahalaan. Samantalang tumataas ang suporta kay Sara Duterte, kahit na may impeachment issue, dahil mas mataas ang tiwala sa kanya ng taumbayan.