Viral ngayon sa social media ang video ng isang babae na sakay ng napakabilis na bus sa La Union. Ayon sa uploader na si Nova Oliva, nagmakaawa na silang mga pasahero na ihinto ang bus dahil sa takot.
Makikita sa video na sumisigaw na ang ibang pasahero at humihingi ng tulong sa konduktor, pero hindi sila pinansin. Kuwento pa ni Nova, mula Balaoan to Bacnotan, dapat ay 15 minuto ang biyahe pero ginawa lang ito ng halos 5 minuto ng driver.
Mas nakakagulat pa, ayon sa uploader, ay kasama ng driver ang pamilya niya sa bus — may bata at matatanda rin na pasahero. Dahil daw ito sa alitan ng driver sa ibang sasakyan, kaya nagmadali ito at nakipag-unahan sa daan.
Sa kabutihang-palad, ligtas naman nakarating si Nova at ang ibang pasahero. Pero marami ang nagtatanong ngayon kung ano ang aksyon ng bus operator at ng LTFRB La Union sa pangyayaring ito.