Isang nawawalang pusa, na si Luna, ay natagpuan sa ibang bansa apat na buwan matapos itong misteryosong nawala. Ayon sa The Independent, nawala si Luna noong Nobyembre 2024 mula sa bahay nila ni Sophie Carty sa Darlington, England.
Si Sophie ay naghanap nang todo sa kanyang pusa, tumawag at nag-follow-up sa lahat ng pwedeng makuhang lead. Pero noong Marso, nakita si Luna sa isang shed sa Inverness, Scotland—na nasa 300 milya ang layo mula sa Darlington.
Dinala agad si Luna sa Highland Vet Referrals, kung saan na-scan ang microchip niya. Dahil dito, natukoy ang identity ni Luna at agad siyang na-reunite sa kanyang amo. “Hindi ako makapaniwala. Six-hour drive 'yun from where she went missing,” sabi ni Carty.
Pagkakita kay Luna, siya ay malnourished, may infection, at may nerve damage. Dinala agad siya sa vet para sa medical treatment. Sa ngayon, nakakagalaw na siya with help at sobrang saya na makauwi na siya. "She’s getting lots of cuddles and attention," dagdag pa ni Carty.
Noong Hulyo 2024, may isa ring pusang aksidenteng naipasok sa box at napadala sa Amazon warehouse sa US, matapos hindi mapansin ng kanyang amo.