Matapos ang halos 9 na taon, sa wakas ay natanggap na ng pamilya ni Lenin Baylon ang tamang death certificate — na nagsasabing binaril siya at hindi namatay sa sakit.
Si Lenin, na 9 na taong gulang noon, ay namatay noong Disyembre 2, 2016 matapos tamaan ng ligaw na bala sa isang shootout na may kinalaman sa droga sa Caloocan City. Tatlong araw na lang sana ay mag-10th birthday na siya.
Noong una, ang nakalagay sa death certificate ay bronchopneumonia dahil hindi kayang bayaran ng pamilya ang P16,000 para sa autopsy. Napilitan silang pumirma ng waiver para lang mailibing si Lenin. Ayon sa IDEALS, isang legal group na tumutulong sa mga mahihirap, ito ay isang maling record na ngayon ay naitama na.
Ayon kay Rodrigo Baylon, tatay ni Lenin:
"Sa wakas, nakuha rin namin ang katotohanan. Masaya at malungkot ang puso ko. Dapat binata na siya ngayon, pero hindi siya nabigyan ng chance na mabuhay nang normal."
Ito ang unang pagkakataon na naitama ang isang maling death certificate kaugnay sa drug war, ayon sa mga abogado ng IDEALS. Isa itong importanteng precedent para sa iba pang pamilyang naghahanap pa rin ng hustisya para sa kanilang mahal sa buhay.