
Emergency Alert! Sa Gwangmyeong City, South Korea, may nangyaring malaking tunnel collapse ngayong April 11 sa ginagawa nilang Shin Ansan Line na railway. Ayon sa ulat, ang support beams ng tunnel ay nagkaroon ng cracks, kaya bumigay ito. Dahil dito, pati kalye sa paligid ay bumagsak din.
Nasa 17 workers ang nasa site, at nang bumagsak ang tunnel, 5 ang unang hindi ma-contact. Later on, 3 sa kanila ay ligtas, habang isa (lalaking Korean, 30s) ay nakausap pero na-trap pa rin sa ilalim. Isa pang excavator operator (Korean male, 50s) ay missing pa rin hanggang ngayon.
Ang insidente ay nangyari 3:13 PM, at agad dumating ang fire department ng 3:20 PM para mag-control ng traffic at siguraduhin ang safety ng lugar. Malapit pa sa isang elementary school ang aksidente.
May mga witness na nagsabi, “May narinig kaming malakas na tunog, parang may sumabog, tapos may alabok na umakyat.”
Allegedly, as early as 12:30 AM, may nakitang crack na sa tunnel structure. Kaya naman nagkaroon na ng road control bago pa mangyari ang collapse. Ang Ministry of Land, Transport, pati na rin ang contractor na POSCO Construction, ay nagpunta na sa site para imbestigahan ang cause at gumawa ng repair plan.