Nag-trending online ang mga sweet na mensahe ni Christophe Bariou para kay Nadine Lustre habang rumarampa ito sa red carpet ng ABS-CBN Ball 2025. Ibinahagi ng award-winning actress ang ilang behind-the-scenes photos sa kanyang Instagram noong April 7, kabilang ang screenshot ng messages ng kanyang boyfriend na si Christophe.
Sa screenshots, tinawag ni Christophe si Nadine na “Babe” at todo suporta habang nasa event ito. “Walk slowly, please,” “You look good,” at “Please smile also, haha,” ang ilan sa mga kilig na messages niya. Agad namang sumagot si Nadine ng “OMG. You’re watching,” na mas lalong nagpakilig sa netizens.
Nagkomento ang ilang fans ng “Sana all” at “OMG, THE TEXT MESSAGE,” sa huling larawan ng post. Ang ABS-CBN Ball ay ginanap sa Solaire Resort North noong April 4, kung saan rumampa si Nadine suot ang isang eleganteng gown na likha ni Rajo Laurel.