Isang bag na ninakaw mula sa isang Korean tourist habang siya ay nagpipicture sa isang kilalang templo sa Brgy. Busay, Cebu City noong Linggo, Abril 6, ay naibalik na sa kanya.
Ayon kay Police Lieutenant Colonel Maria Theresa Macatangay, nakatanggap sila ng ulat hinggil sa isang bag na iniwan sa loob ng isang CR sa isang fast food restaurant sa Brgy. Lahug. Nang siyasatin ito, natagpuan ang mga bank cards at passport ng biktima, ngunit wala na ang pera. Sa kabila ng pagkawala ng pera, naibalik ang mga mahahalagang dokumento sa Korean tourist.
Habang patuloy ang imbestigasyon, sinabi ni Macatangay na maaaring planado ang pagnanakaw, at inaalam pa ng mga pulis kung ang mga suspek ay hindi taga-Cebu. Ibinahagi rin ni Jhoy Tarcita-Orcullo, ang nag-arkila ng sasakyan para sa mga banyaga, na nagpadala ang mga pulis ng mga tauhan sa Punta Engano, Lapu-Lapu City para maibalik ang bag.
Para makaiwas sa ganitong insidente, pinayuhan ni Macatangay ang mga tourists at locals na maging alerto at ingat sa kanilang mga gamit, lalo na ang mga importante tulad ng pera at dokumento.