Inaresto ng National Bureau of Investigation (NBI) ang dalawang Chinese nationals sa isang operasyon sa Parañaque dahil sa human trafficking.
Kinilala ang mga suspek na sina Chan Sai Hoong at Chan Sai Wai, na naaresto noong April 2 sa isang building sa Bradco Avenue, Aseana One.
Ayon sa NBI, isang babae ang nagreklamo matapos siyang piliting magtrabaho sa quota system na may kinalaman sa pera at illegal gambling. Ayon sa biktima, tinakot siyang sasaktan kung magsusumbong dahil alam daw ng mga suspek ang totoong address niya.
Agad na nagsagawa ng rescue operation ang mga ahente mula sa NBI Cybercrime Division at Special Task Force, na nagresulta sa pagkaka-aresto ng mga suspek.
Sila ngayon ay nahaharap sa reklamo sa ilalim ng Republic Act 11862 o ang Expanded Anti-Trafficking in Persons Act of 2022 dahil sa illegal recruitment, coercion, at pagpwersa sa biktima na gawin ang mga labag sa batas.