
Inanunsyo ng FuRyu Prize, ang prize figure division ng Japan FuRyu Company, ang bagong figure mula sa anime na "Frieren: Beyond Journey’s End." Ipinakita nila sa kanilang official X account ang bagong product: "Frieren Northern Countries Travel Winter Outfit ver." na ire-release bilang prize figure ngayong Setyembre 2025.
Ang anime na "Frieren: Beyond Journey’s End" ay tungkol sa isang long-lived elf na si Frieren, na kasama ng mga hero dati para talunin ang demon king. Pero after mamatay ang hero na si Himmel, narealize niya kung gaano kaikli pero meaningful ang buhay ng tao. Kaya nag-decide siyang mag-travel kasama ang mga disciples ng dati niyang mga ka-team para mas maintindihan ang human emotions.
Itong bagong figure na gawa ng FuRyu ay nagpapakita kay Frieren suot ang white winter coat at blue scarf, habang nakatayo siya sa snow. Super detailed ng pagkakagawa ng coat at boots niya, at pati ang twin tails ng buhok niya ay ginawang dynamic para may movement ang pose kahit simple lang ang stance.
Gumamit rin sila ng clear materials sa parts ng figure para maging parang shining sa ilaw, perfect para i-represent ang vibe ni Frieren sa snowy setting. Nakaka-impress ang quality considering na prize figure lang ito!
Ang FURYU Frieren Winter ver. figure ay ilalabas sa Japan sa Setyembre 2025, pero dahil maraming collectors sa PH, malamang magkaroon rin ito sa mga local toy shops at online stores. Anime fans, especially Frieren lovers, better watch out for this cute and elegant release!