Naglabas ng babala ang Globe Telecom at GCash tungkol sa mga scam na gumagamit ng screen sharing at shoulder surfing para makuha ang MPIN, OTP, at iba pang sensitibong impormasyon.
Ayon sa kanila, may mga scammer na nagpapanggap na legit na tao at kinukumbinsi ang biktima na i-on ang screen sharing sa mga messaging apps. Habang ginagamit ng user ang GCash o online banking, sinasamantala ng scammer ang pagkakataon para makopya ang mga login info.
Isa pang style ng scam ay ang tinatawag na “shoulder surfing,” kung saan palihim na tinitingnan ng scammer ang phone screen ng mga tao, lalo na ang mga small business owners na may online transactions.
Para makaiwas sa ganitong scam, pinaalalahanan ang mga users na huwag ibigay ang MPIN o OTP, huwag mag-click ng suspicious links, at huwag ipakita ang phone screen kapag may financial transaction.
Kung may na-experience o nakita kayong scam, puwedeng i-report ito sa PNP Anti-Cybercrime Group. Para sa GCash users, puwedeng dumaan sa Help Center, i-message si “Gigi” gamit ang “I want to report a scam,” o tumawag sa 2882 hotline.