Isang "miracle baby" ang unang ipinanganak sa UK mula sa isang nanay na may donated womb. Si Grace Davidson, 36 years old, ay walang functioning uterus dahil sa MRKH syndrome. Pero noong 2023, nakatanggap siya ng womb transplant mula sa kanyang kapatid na si Amy.
Pagkatapos ng dalawang taon mula sa operation, nanganak si Grace noong February ng isang healthy baby girl na pinangalanan nilang Amy, bilang pasasalamat sa kanyang kapatid. Para kay Grace, ang unang beses na nahawakan si baby Amy ay sobrang overwhelming at parang surreal dream.
Nagsimula ang journey nila noong 2018, nang unang iniisip ni Grace na ang kanyang nanay ang magdo-donate ng womb. Pero hindi ito naging possible, kaya si Amy Purdie, ang kanyang kapatid na may sarili nang mga anak, ang naging donor. Sabi ni Amy, worth it lahat dahil sa immediate joy na naibigay niya kay Grace.
Ang transplant surgery ay umabot ng 17 hours at ginawa ng team ng over 30 medical experts. Hindi naging madali ang proseso, lalo na't naapektuhan ito ng COVID pandemic. Pero nangyari ito sa wakas sa Churchill Hospital, Oxford, at naging successful. Sa unang try pa lang ng IVF, nabuntis agad si Grace.
Nanganak si Grace via C-section sa Queen Charlotte's and Chelsea Hospital sa London. Plano pa nilang magka-second baby bago alisin ang donated womb para hindi na kailanganin ang immunosuppressants. Para kay Grace, ang pagkakaroon ni baby Amy ay isang tunay na act of sisterly love at little miracle sa buhay nila.