
Isang babae ang nashock matapos niyang makitang may patay na butiki sa kanyang bowl ng pan mee noodles habang kumakain sa isang eatery sa Tawau, Sabah. Ayon sa kanyang post na shinare ng local page sa Facebook, kasama niya ang pamilya niya nang mapansin niya ang ulo ng butiki na lumulutang sa sabaw.
Sobrang nataranta siya kaya sumigaw, ibinagsak ang chopsticks at spoon, at tumakbo papuntang toilet para masuka. Pagbalik niya, agad niyang sinabihan ang staff ng restaurant tungkol sa nakita niya sa pagkain.
Pero imbes na humingi ng sorry, sinabi ng staff na baka nahulog lang daw ang butiki sa bowl habang kumakain siya. Pero sabi ng babae, imposibleng mangyari ‘yon dahil obvious sa hitsura ng katawan ng butiki na nababad na ito sa mainit na sabaw.
Naghanap siya ng manager para magreklamo pero sabi ng staff, nasa ospital daw ang boss. Ayaw niya nang gumawa ng eksena kaya lumapit siya sa cashier para ayusin ang problema, pero laking gulat niya nang binigyan pa siya ng bill.
Nagtanong siya kung seryoso bang kailangan pa niyang magbayad kahit may dead lizard sa pagkain, at sagot ng cashier, "Depende sa’yo, kung gusto mo magbayad, okay lang. Kung ayaw mo, okay lang din." Dahil dito, sinabi ng babae na magrereklamo siya sa Health Ministry, at sagot ng staff, "Go ahead." Ibinahagi rin niya na na-report na niya ang incident sa authorities.