Si Vicki Belo ay naging emosyonal nang magbahagi siya ng kwento tungkol sa kanyang laban sa breast cancer. Sa isang video sa social media, sumagot siya sa mga komento ng mga netizens tungkol sa kanyang hindi pantay na mga suso.
Ayon kay Vicki, hindi ito dahil sa kanyang klinika, at itinanggi niyang ginawa ang kanyang mga suso sa Belo. Sinabi niya, "Naalala ko, nine years ago po, nagkaroon ako ng breast cancer, at ang tumor ko sa kaliwang suso ay kasing laki ng 5 cm by 7 cm. Tinanggal nila ang tumor."
Ipinaliwanag ni Vicki kung bakit ang isang suso niya ay mas malaki kaysa sa isa. "Nilagyan nila ng something, at hindi ko alam kung ano 'yun. Tinanong ko ang doktor ko, sabi niya tissue daw pero hindi silicone, medyo matigas," she shared.
Nabanggit din ni Vicki na tatlong lymph nodes ang inalis mula sa kanyang kilikili, dahilan kaya may pagkakaiba sa hugis ng kanyang katawan. "Gusto ko lang linawin na hindi ganyan ginagawa ang boobs sa Belo. Magaling kami sa mga ganoong bagay," she added.
Puno ng emosyon, nagmakaawa si Vicki sa mga tao na maging mahinahon at magpakita ng pag-unawa. "Please be kind. Alam niyo po, cancer survivor ako. Medyo depressed ako nung una pero hindi ko hinayaan na maka-apekto sa buhay ko. Mahilig ako sa mga damit, sa mga sleeveless, kaya nag-susuot pa rin ako ng ganoon," she said.