
Matapos ang 41 taon, natuklasan ni Eduardo "Papa JT" Lubrin II mula Quezon City ang tunay na identidad ng kanyang biological na ina. Lumaki siya na akala niya ay inampong anak siya ng pamilya.
Noong 1993, tinanong siya ng kanyang ate na pumanaw na, “Paano kung hindi si mama ang mama mo, magagalit ka?” Sagot ni Eduardo, “Hindi, love ko pa rin si mama,” pero hindi niya naisip kung bakit ito tinanong. Nang maglaon, nang siya’y 13, binanggit ng kanyang kuya na hindi siya tunay na kapatid. “Lasing siya nung sinabi niya, ‘Tol, di kita tunay na kapatid pero ilalaban kita,’” aniya. Dito nagsimulang magduda si Eduardo at inisip na baka nga siya’y ampon.
Sa kabila ng mga hinala, hindi siya nakapagpagtanong kay mama dahil hindi niya kayang masaktan ito. Nang mamatay ang kanyang tatay noong 2019, muling pumasok sa kanyang isipan ang mga tanong na ito, pero hindi niya ito ipinilit.
Isang araw, nag-away ang kanyang nanay at ate, at narinig ni Eduardo ang isang nakakagulat na revelation mula sa kanyang mama. Inis na sinabi ng kanyang nanay, “O sige Jet, gusto mo malaman kung anong totoo? ‘Yang ate mo, totoong nanay mo!” Sa simula, tinanggap ni Eduardo ang sinabi ng nanay niya, pero inisip na baka ito'y isang galit na pahayag.
Totoo nga, si Bakuz, ang kanyang ate, ang tunay na nanay niya. Sa kabila ng pagkakaalam, hindi nagbago ang relasyon nila sa isa’t isa. Masaya si Eduardo na hindi siya nagmula sa ibang pamilya at tinuturing pa rin niyang ina ang kanyang tunay na nanay. Magaan na ang pakiramdam ng kanyang mama matapos ang lahat ng mga lihim na naipahayag.